Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili Kung ano ang itinanim ay siya ring aanihin Kung ano ang taas ng pagkadakila ay siya rin namang lagapak kung madapa Tuso man ang matsing, napaglalalangan din Pag may isinuksok, may madudukot Ang lumalakad nang matulin, kung matinik ay malalim Ang sakit ng kalingkingan, damdam ng buong katawan May taynga ang lupa, may pakpak ang balita Walang utang na di pinagbayaran Huli man daw at magaling, naihahabol din Sumisigaw ang may sala, humihingi ng parusa Iyang taong manloloko, takot sa sariling multo Hindi lahat ng kumikinang ay ginto Pag may hirap, may ginhawa Ang kapalaran ko, di ko man hanapin, lalapit, dudulog, kung talagang akin Kung ano ang iyong gawa sa kapuwa mo, ay siya rin namang gagawin sa iyo Ang pili nang pili, natatapat sa bungi Sa pinakamasama sa atin, ay may kabutihan din Ang buhay ng tao'y gulong ang kabagay, kung minsa'y mapailalim, kung minsa'y mapaibabaw Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang urong