Sa Antipolo pa rin ang Antipolo : mga tula
/ Abner E. Dormiendo
- 61 pages
Sa Antipolo maraming kinakanta ang mga bata tuwing flag ceremony Sa Antipolo walang estadistika ng pagpapatiwakal Sa Antipolo ako napaibig sa iyo Sa Antipolo ako unang nakahawak ng kamay ng babae Sa Antipolo tayo natutulog nang magkatabi Sa Antipolo naganap ang isang sikat na masaker Sa Antipolo ako bininyagan Sa Antipolo nahihimbing ang isang dambuhala Sa Antipolo dumadalaw ang mga mangingibang bansa Sa Antipolo pa rin ako naghihintay sa pagbalik mo Sa Antipolo wala pa ako nakikitang puno ng tipulo Sa Antipolo makikita ang isang museo Sa Antipolo ako natuto ng mga awiting pansimbahan Sa Antipolo pinababasbasan ang mga bagong-biling sasakyan Sa Antipolo marami pa ring nagkakabanggaan Sa Antipolo ako unang nalasing Sa Antipolo ako tumigil manigarilyo Sa Antipolo madumi ang politika Sa Antipolo ginaganap ang alay-lakad Sa Antipolo ako unang natakot Sa Antipolo binaril ang aking kaibigan Sa Antipolo maraming nagbago at nanatiling pareho Sa Antipolo tanaw ko ang Makati Sa Antipolo mahirap maghanap ng masasakyan Sa Antipolo malakas minsan ang pag-ulan Sa Antipolo mas masarap pa rin ang suman Sa Antipolo mahal ang presyo ng lupa Sa Antipolo magulo rin ang batas-trapiko Sa Antipolo barumbado ang mga jeepney driver Sa Antipolo mo ako iniwan Sa Antipolo makikita ang isa sa pinakamalaking baranggay Sa Antipolo nagwawakas ang tulang ito Sa Antipolo ako unang nag-aral Sa Antipolo siguro tayo titira nang magkasama Sa antipolo maraming nakatayong resort Sa Antipolo inilibing ang aking tita Sa Antipolo ang buong mundo Sa Antipolo dumadaan ang fault line ng Marikina Sa Antipolo pa rin ako umuuwi