Pagkakasala at kaparusahan / Feodor Dostoyevsky ; bagong salin mula sa orihinal na Ruso ni Herman Manalo Bognot
Material type:
- text
- computer
- online resource
- 9786218196032
- Crime and punishment. Filipino
- 891.733
Item type | Current library | Collection | Status | Barcode | |
---|---|---|---|---|---|
![]() |
Accessible online | Filipiniana | Available | EB-00628 |
Ito ang paglalarawan sa mapait na kalagayan sa daigdig. Mukhang walang pag-asa at walang masusulingan ang mga tao. Kahit sa pelikula sa kasalukuyang panahon ay hindi pa naipakikita ang ganitong eksena, kung saan ang mga tao, na tila mga zombie na sinasaniban o nahawa ng napakabagsik na virus o espiritu, ay naging labis na matalino at matindi ang yakap sa mga prinsipyo, doktrina, at ideolohiyang sumanib sa kanila. Sila lamang ang tama at wala nang iba pa. Handa silang gawin ang kahit ano, magbaka ng hirap at pasakit, lumaban, pumatay, kumain ng buhay na kapwa-tao upang isulong ang mga layuning makatuwiran at makatarungan sa kanilang pananaw. Gayunpaman, hindi naman lubusang magiging impiyerno ang daigdig at hindi malulunod, masusunog, at malulusaw nang dahandahan sa kumukulong lawa sa impiyerno ang mga tao habang naririto pa sa lupa.
Hindi ganoon kawalang-pag-asa ang lahat. May kasagutan at solusyon sa suliranin. May binabanggit si Dostoyevsky na iilang maaaring makapagligtas sa sangkatauhan. Makikita nila ang tamang landas at maituturo sa mga nagkaligaw-ligaw at wala nang masulingang hindi na malaman ang patutunguhan. Sila ang mga hinirang at malilinis ang puso, na magsisimula ng bagong uri ng tao at bagong buhay sa mundo. Pagiibayuhin at lilinisin nila ang buong daigdig.
There are no comments on this title.